Location: Saint Mary School of Sagada, Sagada, Mountain Province
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 8 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
WILLIAM HENRY SCOTT
1921-1993
MISYONERO, HISTORYADOR, MANUNULAT, AT GURO. ISINILANG SA DETROIT, MICHIGAN, 10 HULYO 1921. NANILBIHAN SA HUKBONG DAGAT NG ESTADOS UNIDOS NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT DIGMAAN SA KOREA. NAGING MISYONERO NG SIMBAHANG EPISKOPAL AT GURO NG WIKANG INGLES SA TSINA. DUMATING AR TULUYANG NANIRAHAN BILANG MISYONERO AT GURO SA SAINT MARY’S SCHOOL, SAGADA, MOUNTAIN PROVINCE, 1954. NAGSAGAWA AT NAGLATHALA NG MASUSING PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA SINAUNANG KASAYSAYAN AT KULTURANG PILIPINO LALO NA SA MGA KATUTUBONG PAMAYANAN NG REHIYONG CORDILLERA. NAGING PROPESOR AT TAGAPANAYAM SA IBA’T IBANG PAMANTASAN AT DALUBHASAAN SA PILIPINAS. IBINILANGGO SA PARATANG NA SUBERSIYON NANG IDEKLARA ANG BATAS MILITAR, 1972. PINAWALANG SALA NG KORTE, 1973. YUMAO SA LUNGSOD QUEZON, 4 OKTUBRE 1993. INILIBING SA SEMENTERYO NG SIMBAHAN NG SAINT MARY THE VIRGIN, SAGADA.