Location: Villa Arevalo Plaza, Osmeña Street cor. Yulo Drive, Arevalo, Iloilo City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 11, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VILLA DE AREVALO
ITINATAG NI GOBERNADOR RONQUILLO DE PEÑALOSA NOONG 1581 AT PINANGALANANG “LA VILLA RICA DE AREVALO,” SA ILALIM NG PANGASIWAAN NG OTON. ITO AY NAGING KABISERA NG LALAWIGAN NOONG 1582. SENTRO NG PAGAWAAN NG MGA SASAKYANG-DAGAT. ITO AY NILUSOB NG MGA BRITISH NOONG 1588. DAHIL SA MGA PANANALAKAY NG MGA MUSLIM NOONG 1600 AT NG MGA OLANDES NOONG 1609, 1614, AT 1616, ANG KABISERA AY INILIPAT SA PUNTA, ANG KASALUKUYANG LUNGSOD NG ILOILO. ITO AY GINAWANG IKAAPAT NA URING BAYAN NOONG 1827. SIMULA NOONG HULYO 16, 1937, HANGGANG SA KASALUKUYAN, ITO AY ISA SA MGA DISTRITONG BUMUBUO SA LUNGSOD.