Location: University of the Philippines Cebu, Gorordo Avenue, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 2, 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES CEBU COLLEGE
NAGSIMULA NA JUNIOR COLLEGE OF LIBERAL ARTS SA DATING WARWICK BARRACKS; DR. LAWRENCE WHARTON, UNANG DEKANO, 1918. INILIPAT SA POOK NG PARIAN AT PINANGALANANG JUNIOR COLLEGE OF THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (U.P.); DR. JOSE MIRASOL, UNANG FILIPINONG DEKANO, 1922; AT SA FORT SAN PEDRO, 1925. IPINAGKALOOB NG LALAWIGAN NG CEBU ANG KAMPUS SA LAHUG AT PINASINAYAAN ANG PANGUNAHING GUSALI, 1929. GINAMIT NG PWERSANG HAPONES BILANG PIITAN, 1942–1945; NG U.S. NAVY GENERAL ENGINEERING AT MULING BINUKSAN BILANG PAARLAN, 1945. IPINAAYOS SA TULONG NG U.S.–PHILIPPINE WAR DAMAGE COMMISSION, 1946. IPINASARA NG PAMAHALAAN AT INUPAHAN NG MGA HESWITA BILANG BERCHMANS COLLEGE, 1950. IBINALIK SA U.P., 1963. NAGING BAHAGI NG UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES VISAYAS (UPV), 1986–2010. PINAGKALOOBAN NG U.P. BOARD OF REGENTS NG AUTONOMIYA BILANG U.P. CEBU COLLEGE SA ILALIM NG TANGGAPAN NG PANGULO NG UNIBERSIDAD, 24 SETYEMBRE 2010.