Location: Pila, Laguna (Region IV-A)
Category: Sites/Events
Type: Historic Center
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 2, s. 2000
Marker date: 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PILA
DATING NALUKLOK SA PINAGBAYANAN AT INILIPAT SA PAGALANGAN. PINAGKALOOBAN NG MGA KASTILA NG TITULONG LA NOBLE VILLA DE PILA NOONG SIMULA NG IKA-17 DANTAON DAHIL SA KADALISAYAN NG KAUGALIAN AT TRADISYON NG MGA MAMAMAYAN NITO. INILIPAT SA SITIO NG SANTA CLARA NA BAHAGI NG ASYENDANG PAG-AARI NG MAGKAKAKPATID NA SINA FELIZARDO, MIGUEL AT RAFAEL DE RIVERA BAGO MATAPOS ANG IKA-18 DANTAON. GINAWA ANG BALANGKAS NG BAYAN NI FELIZARDO DE RIVERA NA MAKIKITA PA HANGGANG SA KASALUKUYAN BILANG ISANG HALIMBAWA NG PAGPAPLANONG BAYAN NOONG PANAHON NG MGA KASTILA. IPINAHAYAG ANG MAKASAYSAYANG POOK NG BAYAN NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 17 MAYO 2000.