Location: Bataan Provincial Capitol, Capitol Drive, Balanga, Bataan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TOMAS GUILLERMO T. DEL ROSARIO
MASIGASIG NA TAGAPAGTAGUYOD NG KARAPATAN SA MALAYANG PAGSAMBA AT NG PAGKAKAHIWALAY NG SIMBAHAN AT ESTADO. ISINILANG KINA CIPRIANO DEL ROSARIO AT SEVERINA TONGCO SA BINONDO, MAYNILA, 10 PEBRERO 1857. NAGTAPOS NG BACHILLER EN ARTES SA ATENEO MUNICIPAL, 1875; AT LICENCIADO EN DERECHO SA UNIBERSIDAD NG SANTOS TOMAS, 1886. NAGLINGKOD BILANG JUEZ DE PAZ, PROMOTOR FISCAL, AT JUEZ DE PRIMERA INSTANCIA NG MAYNILA, 1888–1896. IPINATAPON SA CUETA, APRIKA SA PAGKAKASANGKOT SA HIMAGSIKAN 1896–1897. NAGBALIK SA PILIPINAS AT NAHIRANG SA DELEGADO SA KONGRESO NG MALOLOS BILANG KINATAWAN NG SURIGAO, 1898. NAHALAL NA GOBERNADOR NG BATAAN, 1904–1906; AT KINATAWAN SA PHILIPPINE ASSEMBLY, 1909–1912. YUMAO, 4 HULYO 1913.