Location: Cabatuan, Iloilo
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 2, 1974
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TOMAS CONFESOR
1891–1951
ISINILANG SA BAYANG ITO NOONG MARSO 2, 1891 SA MAG-ASAWANG JULIAN CONFESOR AT PROSPERA VALENZUELA. EKONOMISTA AT NAGING UNANG DIREKTOR NG KAGAWARAN NG PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA. PUNO NG MGA GERILYA SA PANAY, MANUNULAT, ESTADISTA AT MAKABAYAN. NAGING KINATAWAN SA KONGRESO, DELEGADO SA KUMBENSIYONG KONSTITUSYONAL NOONG 1934, GOBERNADOR NG ILOILO NOONG 1937–1941, AT SENADOR NOONG 1946.
AWTOR NG BATAS NA NAGTATAG NG BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES AT NG BATAS NA COOPERATIVE MARKETING. TAGAPAGTATAG NG BABASAHING TIGBATAS. TAMBULI NG KILUSANG GERILYA SA PANAY NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.
NAMATAY NOONG HUNYO 6, 1951.