Location: Philippine Tiong Se Academy, 708 Sta. Elena Street, Binondo, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: June 14, 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TIONG SE ACADEMY
ITINATAG ANG ANGLO CHINESE SCHOOL NI ENGRACIO PALANCA (TANKANG), UNANG TSINONG KONSUL–HENERAL SA BANSA, UPANG TUGUNAN ANG PANGANGAILANGANG PANG-EDUKASYON NG MGA TSINO SA PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PAGLIKOM NG PONDO MULA SA COMUNIDAD DE CHINO. PORMAL NA NAGBUKAS NG KLASE SA BAKURAN NG IMPERIAL CHINESE CONSULATE GENERAL, 15 ABRIL 1899. INILIPAT ANG PAARALAN SA KALYE SAN FERNANDO, 1899; KALYE SALAZAR, 1909; KALYE SACRISTIA (NGAYO’Y KALYE ONGPIN), 1910 AT KALYE STA. ELENA, 1912. ISINARA NOONG PANANAKOP NG HAPON, 1942 AT MULING BINUKSAN, 1945. NAGING TIONG SE ACADEMY ALINSUNOD SA PILIPINASASYON NG MGA PAARALANG BANYAGA SA BANSA, 24 PEBRERO 1975. NAGSILBING HUWARAN NG SISTEMANG PANG-EDUKASYON NG MGA TSINO AT TSINONG PILIPINO SA PILIPINAS.