Location: 952 Quezon Boulevard Extension, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 9 November 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TEODORO ANDAL AGONCILLO
PINAGPIPITAGANG MANANALAYSAY, MAKATA, KWENTISTA, PATNUGOT AT PROPESOR. ISINILANG SA LEMERY, BATANGAS, NOBYEMBRE 9, 1912. NAGKAMIT NG BATSILYER SA PILOSOPIYA, 1934, AT NAGDALUBHASA SA SINING, 1939, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES. PINAGKALOOBAN NG DOCTOR OF LETTERS, HONORIS CAUSA, CENTRAL OHILIPPINE UNIVERSITY, 1969. KATULONG NA TEKNIKO, INSTITUTE OF NATIONAL LANGUAGE, 1937-1941; TAGAPANGULO, DEPARTMENT OF HISTORY, 1963-69; RAFAEL PALMA PROFESSOR OF PHILIPPINE HISTORY, 1973-76 AT UNIVERSITY PROFESSOR, 1976-1977, U.P.;AKADEMISTA, NATIONAL ACADEMY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, 1980; AT KAGAWAD, NATIONAL HISTORICAL COMMISSION (NGAYO’Y INSTITUTE); 1967-1985. NAMUMUKOD NA MGA AKLAT: HISTORY OF THE FILIPINO PEOPLE; REVOLT OF THE MASSES: THE STORY OF BONIFACIO AND THE KATIPUNAN; MALOLOS: THE CRISIS OF THE REPUBLIC; AT THE FATEFUL YEARS, JAPAN’S ADVENTURE IN THE PHILIPPINES. MGA TANYAG NA PANITIKANG PILIPINO: BAHAGHARI’T BULAKLAK AS SA DALAMPASIGAN. TUMANGGAP NG GAWAD SA FIRST COMMONWEALTH LITERARY CONTEST, 1940; REPUBLIC CONTEST ON BONIFACIO AND THE FIRST EPOCH OF THE REVOLUTION, 1948; CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS, SA PANITIKAN, 1953; GAWAD NG PHA PARA SA MGA NATATANGING AKLAT NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS, 1960. GAWAD NG LUNGSOD NG MAYNILA ANG DIWA NG LAHI, 1982. GAWAD POSTHUMO BILANG NATIONAL SCIENTIST, 1985. NAMATAY, ENERO 14, 1985.