Location: Tayabas, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: January 15, 1978
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TAYABAS
ITINATAG NG MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1578, NAGING KABISERA NG LALAWIGAN NOONG 1605 NA DATI AY NASA KALILAYAN (NGAYO’Y UNISAN). INILIPAT SA LUCENA, IKA-10 NG MARSO, 1901. NOONG IKA-23 NG OKTUBRE, 1841, SA PAMUMUNO NI APOLINARIO DE LA CRUZ, ISANG LABANAN ANG NAMAGITAN SA KANYANG MGA TAUHAN AT SA PANGKAT NG MGA KASTILA SA BARYO ISABANG. ANG MGA MANGHIHIMAGSIK AY NAGWAGI SA LABANANG IYON AT NAPATAY ANG GOBERNADOR NG KASTILA. ISA PANG LABANAN ANG NAGANAP NOONG IKA-1 NG NOBYEMBRE SA ALITAO KUNG SAAN NADAKIP SI HERMANO PULI AT BINITAY SA KARATIG NA BULWAGANG BAYAN NG TAYABAS NOONG IKA-4 NG NOBYEMBRE. SIYA AY IPINAGBUNYI BILANG UNANG BAYANI NG LALAWIGAN NG TAYABAS AT HARI NG MGA TAGALOG.