Location: Malolos, Bulacan (Region III)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 20 June 1961
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
POOK NA KINATAYUAN NG BAHAY PAARALAN NG MGA KADALAGAHAN NA NILIHAMAN NI JOSE RIZAL BUHAT SA LONDRES NOONG IKA-22 NG PEBRERO, 1889, NG KANYANG BANTOG NA SULAT NA PINAMAGATANG “SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS.” NOONG IKA-12 NG DISYEMBRE, 1888, ANG 21 DALAGANG TAGA-MALOLOS AY HUMINGI NG PAHINTULOT SA GOBERNADOR HENERAL WEYLER NA MAKAPAGBUKAS, SA SARILING GUGOL NILA, NG ISANG PAAARALANG PANGGABI NA MAGTUTURO NG WIKANG KASTILA. SA KANYANG SULAT AY PINURI NI RIZAL ANG MGA NATURANG DALAGA DAHIL SA KANILANG PAGKUKUSA, SIGASIG AT DIWANG MAKABAYAN.