Location: Vinzons, Camarines Norte
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHANG SAN PEDRO APOSTOL
PINAKAMATANDANG SIMBAHAN SA CAMARINES NORTE. ANG BAYANG ITO AY ITINATAG NG MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1581 AT PINANGALANANG TACBOAN. NOONG 1611 ISANG SIMBAHANG NASA PAGTANGKILIK NI SAN PEDRO APOSTOL ANG IPINATAYO NG REB. P. JUAN DE LOSAR, ANG UNANG KURA PAROKO. NOONG 1624 ANG BAYAN AY INILIPAT SA IBANG POOK AT TINAWAG NA INDAN. ISANG BAGONG SIMBAHAN ANG IPINATAYO SA PAGTANGKILIK PA RIN NG UNANG PATRON.
NOONG 1636 ANG BISITA NG LABO AY ITINATAG NG MGA MISYONERO AT ISINANIB SA INDAN. TAONG 1661 NANG ANG PANGASIWAAN NITO AY IPINAGKALOOB SA KLERIKONG SEKULAR.
PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG ANG INDAN AY BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG VINZONS NA ISINUNOD KAY WENCESLAO Q. VINZONS, ANG BAYANI NG KABIKULAN NG NAKARAANG DIGMAAN.
ANG KALIWA AT KANANG BAHAGI NG KASALUKUYANG SIMBAHAN AY IPINAGAWA SA PAMAMAGITAN NG TULONG NG MGA NASASAKUPAN NG PAROKYA.