Location: Sta. Maria, Ilocos Sur (Region I)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Listed: UNESCO World Heritage Site
Marker Date: September 26, 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG STA. MARIA
ORIHINAL NA ITINAYO NG MGA PARING AGUSTINO BILANG KAPILYA NG NARVACAN. NAGING ISANG PAROKYA NOONG 1769 NA ANG PATRONA AY NUESTRA SENORA DE LA ASUNCION. MULING GINAWA AT NILAGYAN NG TORE NOONG 1810. NAGING PANSAMANTALANG TULUYAN NG MGA MISYONERONG NAGTUTUNGO SA ABRA. BINAGO NOONG 1863 AT ANG DALUSDOS AY PINALIGIRAN NG MALALAKING BATO. MULING IPINGAWA NI PADRE LORENZO RODRIGUEZ ANG SIMBAHANG BATO.
SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974 AT BILANG 1515, 11 HUNYO, 1978, ANG SIMBAHANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALANTANDAANG MAKASAYSAYAN.