Location: Silang Church, J.P. Rizal Street, Silang, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG SILANG
ITINATAG BILANG PAROKYA NG MGA PRANSISKANO, 3 PEBRERO 1595. NASUNOG, 30 AGOSTO 1603. NAGTAYO NG BAGONG SIMBAHAN ANG MGA PRANSISKANO SA PATRONATO NI SAN DIEGO DE ALCALA. INILIPAT SA MGA HESWITA, 1611. ITINAYO ANG SIMBAHANG YARI SA BATO NI JUAN DE SALAZAR, S.J., 1637–1639. INIALAY SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE CANDELARIA, MGA TAONG 1640. NAGING KUTA NG MGA GUWARDIYA SIBIL NANG KUBKUBIN AT ITABOY SILA NG MGA FILIPINONG MANGHIHIMAGSIK NA PINAMUNUAN NI HEN. VITO BELARMINO, 5–6 SETYEMBRE 1896. PINAMAHALAAN NG MGA PARING SEKULAR NANG PINAALIS ANG MGA HESWITA, 1788. INILIPAT SA MGA RECOLETOS SA PAMAMAGITAN NG REAL ORDEN, 9 MARSO 1849. IBINALIK SA MGA SEKULAR, 1868. INILIPAT SA MGA PARING CONGREGATION OF THE IMMACULATE HEART OF MARY (CICM), 1910; SEKULAR, 1913; COLUMBANS, 1936; AT SEKULAR MULI, 1978 HANGGANG SA KASALUKUYAN. HILAMBAWA NG ARKITEKTURANG KOLONYAL NA MAY MGA RETABLONG IDINISENYO SA ESTILONG ROCOCO. NASIRA NG LINDOL ANG PINAKAMATAAS NA PALAPAG NG KAMPANARYO, 1880. ISINAAYOS, 1989.