Location: San Miguel, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 3 May 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN MIGUEL DE MAYUMO
ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO SA PATRONATO NI SAN MIGUEL ARKANGHEL BILANG VISITA NG CANDABA, 1607. NAGING VISITA NG GAPAN AT MACABEBE, 1726–1872. SINIMULANG ITINAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA BATO AT LADRILYO SA PANUNUNGKULAN NI PADRE JUAN MANUEL TOMBO, 1848 AT NATAPOS SA PANAHON NI PADRE FRANCISCO ARRIOLA, 1869. NAGING HIWALAY NA PAROKYA, 1872. DITO NAGKUTA ANG MGA KAWAL NA ESPANYOL SA ILALIM NI TENYENTE TELESFORO CARRASCO NOONG KASAGSAGAN NG LABANAN NG SAN MIGUEL DE MAYUMO, MAYO 1898. SUMUKO SILA SA MGA REBOLUSYONARYONG PILIPINO NA PINAMUNUAN NI KORONEL PABLO TECSON SA PLAZA NG SIMBAHAN, 1 HUNYO 1898. NAPINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT ISINAAYOS SA PANGUNGUNA NI PADRE HONORIO RESURRECCION, 1941–1948. MULING KINUMPUNI, 2003.