Location: San Carlos, Pangasinan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 8 August 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN CARLOS
ANG SIMBAHANG GAWA SA LADRILLO AY SINIMULANG ITATAG NOONG 1770 SA PAMAMAHALA NI P. AUSINA, SA POOK NA ITO KUNG SAAN INILIPAT ANG KABAYANANG BINALATONGAN, NA PINANGALANANG SAN CARLOS NOONG 1764. PINAKAMALAKING SIMBAHAN SA PILIPINAS SA PANAHONG IYON. NAPINSALA NG LINDOL NOONG 1789, 1796 AT 1799. ANG PAGTATAYO NG KAMPANARYO AT PAGSASAGAWA NG MGA PAGBABAGO AY PINAMAHALAAN NI PADRE ALVAREZ CARROZAL, 1878–1890.