Location: Malabon City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN BARTOLOME
ITINATAG BILANG BISITA NG TONDO, 21 MAYO 1599. NAGING PAROKYA SA PATRONATO NI SAN BARTOLOME DE TAMBOBONG (NGAYO’Y MALABON), 17 MAYO 1614. IPINATAYO ANG SIMBAHAN NI PADRE DIEGO DE ROBLES YARI SA BATO, 1622. IPINAGAWA ANG HARAPAN NG SIMBAHAN AT ANG DALAWANG KAMPANARYO AYON SA DISENYO NI LUCIANO OLIVER, 1861. NOONG 1896, KASUNOD NG SIGAW SA PUGADLAWIN (23 AGOSTO), ITINAON NI ANDRES BONIFACIO SA PISTA NI SAN BARTOLOME (24 AGOSTO) ANG ISANG LIHIM AT MALAKING PULONG NG KATIPUNAN SA BALINTAWAK UPANG MAKAIWAS SA PAGDAKIP NG MGA GUWARDYA SIBIL ANG MGA KATIPUNERO AT MAKARATING SA PULONG NA NAGPAPANGGAP NA SILA’Y MGA PEREGRINO. NASUNOG ANG KANANG BAHAGI NG SIMBAHAN, 1898. IPINAAYOS, 1906. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINAAYOS ANG HARAPANG BAHAGI NG SIMBAHAN, 1951, AT ANG KAMPANARYO AT INTERIYOR, 1958.