Location: Piddig, Ilocos Norte
Category: Buildings/Structures
Type:House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 25 July 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG PIDDIG
DATING BISITA NG DINGRAS. NAGING GANAP NA PAROKYA SA PATRONATO NI SANTA ANA, MGA TAONG 1770–1775. ISINAAYOS NI PADRE FELIPE FERNANDEZ ANG KALAPIT NA LIBINGAN, 1847–1862. NAPINSALA NG LINDOL, 1862. NASUNOG, 1870, AT PINALITAN NG BAGONG SIMBAHANG YARI SA BATO AT LADRILYO. PANSAMANTALANG NAGING KUTA NG MGA SUNDALONG PILIPINO NOONG DIGMAANG PILIPINO AMERIKANO, 1898. NAPINSALA NG LINDOL, MARSO 1931. MULING ISINAAYOS SA PANGUNGUNA NI MONSIGNOR ARSENIO PACIS. SINUNOG NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISINAAYOS ANG HARAP NG SIMBAHAN, 1965. PANSAMANTALANG IPINASARA DAHIL SA MGA PINSALANG ISTRUKTURAL, SETYEMBRE 2014. ISINAAYOS NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2018–2019. PINASINAYAAN, 26 HULYO 2019.