Location: Oslob, Cebu
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 23 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG OSLOB
ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG CARCAR, 1599; NAGING VISITA NG BOLJOON, 1690. INILIPAT SA PANGANGALAGA NG MGA HESWITA, 1737, IBINALIK SA MGA AGUSTINO, 1742. IPINATAYO NI PADRE JULIAN BERMEJO, OSA, ANG SIMBAHAN AT KUMBENTONG YARI SA KORALES AT KAHOY AYON SA PLANO NI OBISPO SANTOS GOMEZ MARAÑON, 1830; NATAPOS, 1847. NAGING GANAP NA PAROKYA SA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION; PADRE JUAN JOSE ARAGONES, OSA, UNANG KURA PAROKO, 1848. IPINATAYO NI PADRE APOLINAR ALVAREZ, OSA, ANG KAMPANARYO, 1858. NASUNOG, 1942 AT 1955. KINUMPUNI, 1956; MULING ISINAAYOS ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG TAUMBAYAN AT SA PANGUNGUNA NI PADRE CONSTANTINO BATOCTOY, 1980. NASUNOG ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, 2008. MULING ISINAAYOS, 2010.