Location: Obando, Bulacan (Region III)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: April 28, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG OBANDO
IPINATAYO NG MGA PARING PRANSISKANO SA PANGUNGUNA NI REB. P MANUEL DE OLIVENCIA, UNANG KURA NG OBANDO, NOONG 29 ABRIL 1754. IPINAGAWA ANG PANGALAWANG SIMBAHANG BATO NA MAY MAGANDANG KRUSERO NG MGA NANINIRAHAN BUHAT SA BUWIS NA NASINGIL SA LOOB NG DALAWANG TAON. IGINUHO NG MALAKAS NA PANGANGANYON NOONG LIBERASYON NG 1945. MULING IPINAGAWA ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NG MGA TAGA-PAROKYA SA PANGUNGUNA NI REB. P MARCOS C. PUNZAL SA LOOB NG DALAWANG TAON. PINAG-IBAYO ANG PAGSASAAYOS SA PANGANGASIWA NI D. REB. MONS. ROME R. FERNANDEZ, H.P IPINAGDIRIWANG ANG KAPISTAHAN NG BAYAN TUWING IKA-17,18 AT 19 NG MAYO BILANG PARANGAL KINA SAN PASCUAL DE BAILON, KABILANG ANG PAGSASAYAW UPANG MAGKAANAK; SANTA CLARA, PATRONA NG MGA NAGLILIHING INA; AT NUESTRA SENORA DE SALAMBAO, PATRONA NG MGA MANGINGISDA AT MAGBUBUKID.