Location: Marikina City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 13 May 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG NUESTRA SEÑORA DE LOS DESEMPARADOS
UNANG IPINATAYONG YARI SA PAWID AT KAWAYAN NG MGA PARING AGUSTINO SA CHORILLO (NGAYO’Y BARANGKA), 1572. INILIPAT SA JESUS DE LA PEÑA NANG ANG VISITA AY NALIPAT SA ILALIM NG PANGANGASIWA NG MGA PARING HESWITA, 1630; PINASINAYAAAN AT GINANAP ANG UNANG MISA, ABRIL 16, 1630. MULING INILIPAT AT IPINAGAWA ANG SIMBAHANG BATO SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO, 1687; GANAP NA NATAPOS AT NAGING ISANG PAROKYA, 1690. NASUNOG ANG MALAKING BAHAGI NG NOONG DIGMAANG PILIPINO LABAN SA KASTILA AT PILIPINO LABAN SA AMERIKANO. NASIRA ANG KAMPANARYO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. PINASIMULANG AYUSIN AT PAGANDAHIN SIMULA PA NOONG 1951 NG KURA PAROKO SA TULONG NG MGA SAMAHANG PANRELIHIYON, SIBIKO AT MAMAMAYAN.