Location: San Jose de Navotas Parish, M. Naval Street, Navotas City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 10 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG NAVOTAS
ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG TONDO, 21 MAYO 1599. KALAUNA’Y ITINALAGA ANG NAVOTAS BILANG BARYO NG MALABON AT IPINAILALIM SA PAROKYA NG SAN BARTOLOME. PORMAL NA NAHIWALAY SA MALABON ANG NAVOTAS, 11 HUNYO 1859, AT ITINATAG ANG PAROKYA SA PATRONATO NI SAN JOSE, 1 HULYO 1859. IPINATAYO NG UNANG KURA PAROKO, FRAY MATIAS NOVOA, O.S.A., ANG PANSAMANTALANG SIMBAHAN, NOBYEMBRE 1859. IDINAGDAG ANG KAMPANARYO AT KUMBENTO, 1860. PINASIMULAN NI FRAY MANUEL PEREZ, O.S.A., ANG UNANG SIMBAHANG GAWA SA BATO, 1868, AT NATAPOS NOONG 1877. NASIRA NG LINDOL ANG KUMBENTO, 1880. IPINATAYO NI FRAY TOMAS AGUDO, O.S.A., ANG KASALUKUYANG GUSALI NG SIMBAHAN, 1892-1895. NASIRA NG LINDOL ANG KISAME AT SANTUWARYO NG SIMBAHAN, 1934. NAGING HIMPILAN NG HUKBONG HAPONES AT PIITAN NG MGA PINAGHIHINALAANG GERILYA SA NAVOTAS, 1944. IPINAAYOS ANG SIMBAHAN, 1964-1968. IPINAILALIM SA DIYOSESIS NG KALOOKAN, 2003.