Location: Holy Cross Parish, Poblacion, Maribojoc, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 12 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG MARIBOJOC
ITINATAG NG MGA PARING HESWITA BILANG MISYON AT PAROKYA SA PATRONATO NG SANTA CRUZ, 1767. PINANGASIWAAN NG MGA PARING RECOLETOS, 21 OKTUBRE 1768. SINIMULANG IPATAYO NI PADRE MANUEL PLAZA, O.A.R. ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN NA YARI SA KORALES AT BATO, 1852. NATAPOS SA PAMUMUNO NI PADRE FERNANDO RUBIO, O.A.R. 1872. NATAPOS ANG KUMBENTO AT KAMPANARYO NA MAY ORASAN SA ILALIM NI PADRE LUCAS MARTINEZ, O.A.R. 1877-1898. NAGSILBING KANLUNGAN NG MGA MANANAMPALATAYANG TAGA-LOON NOONG DIGMAANAG PILIPINO-AMERIKANO, 1901. IPININTA NI RAY FRANCIA ANG MGA DIBUHO SA KISAME NG SIMBAHAN, DEKADA 1930. NATAPOS ANG PAGSASAAYOS SA MGA RETABLO NA PINANGUNAHAN NI PADRE QUITERIO SARIGUMBA AT NG COMITE DE OBRAS, 7 ENERO 1934. NAILIGTAS NANG SUNUGIN ANG BAYAN NG MARIBOJOC NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ITINANGHAL BILANG DAMBANA NI SAN VICENTE FERRER NG DIYOSESIS NG TAGBILARAN, 2005. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2010. NAGIBA NG LINDOL, 15 OKTUBRE 2013. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2021.