Location: Malinao, Aklan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG MALINAO
NAGING PAROKYA SA PATRONATO NI SAN JOSE SA ILALIM NG DIYOSESIS NG CEBU, 1798 AT NAPASAILALIM SA DIYOSESIS NG JARO, 1865. ITINAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN NA YARI SA BATO SA PANUNUNGKULAN NI PADRE FRANCISCO GAMBOA JAYME, 1883–1889. PINASINAYAAN, 13 ABRIL 1889. NAGING HIMPILAN NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1943–1944. NAPINSALA NG LINDOL, 1948. NAPASAILALIM SA DIYOSESIS NG CAPIZ, 1951. ISINAAYOS ANG HARAP NG SIMBAHAN, 1965; AT ANG KAMPANARYO, 1960. NAGING BAHAGI NG DIYOSESIS NG KALIBO, 1976.