Location: Magdalena, Laguna
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG MAGDALENA
ITINAYO ANG UNANG SIMBAHAN AT KUMBENTO YARI SA KAHOY AT KOGON SA PATRONATO NI SANTA MARIA MAGDALENA, 1820. SINIMULANG ITAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA ADOBE, 1829. NATAPOS SA PANAHON NI PADRE JUAN ALFONSO, 1855. ITINAYO ANG KUMBENTO, 1871–1872. NAPINSALA NG LINDOL, 1880 AT MULING NAISAAYOS SA PAHINTULOT NI ARSOBISPO PEDRO PAYO, 1881–1882. DITO PANSAMANTALANG INIHIMPIL SI EMILIO JACINTO MATAPOS MALUBHANG MASUGATAN SA LABANAN SA MAIMPIS, BAYAN NG MAGDALENA, PEBRERO 1898.