Location: Las Piñas Church, P. Diego Cera Avenue, Las Piñas City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG LAS PIÑAS
ITINATAG BILANG PUEBLO, 1762. INIHIWALAY SA PAROKYA NG PARAÑAQUE, 1775. ITINALAGANG UNANG NANINIRAHANG KURA PAROKO SI P. DIEGO CERA DELA VIRGEN DEL CARMEN, DISYEMBRE 26, 1795. IPINATAYO NIYA ANG SIMBAHANG BATO, 1797–1819 AT ANG ORGANONG YARI SA 902 TUBONG KAWAYAN AT 129 TUBONG LATA, 1816–1824. BAHAGYANG NASIRA NG LINDOL, 1828 AT 1863. DAHIL SA MAGKAKASUNOD NA PAGLINDOL NOONG 1880, ITO AY HINDI NA PINAGDAUSAN NG MISA. IPINAKUMPUNI NOONG 1883 SUBALIT HINDI ITO GANAP NA NAISAAYOS. GINAMIT NA KAMPO NG MGA BIHAG NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON AT BILANG PAGAMUTAN NOONG LIBERASYON. IBINALIK SA DATING KAAYUSAN SA PAMAMAGITAN NG MAGKASAMANG PAGPUPUNYAGI NG PARISH COMMUNITY AT NG HISTORICAL CONSERVATION SOCIETY, 1962–1977.