Location: Dauin, Negros Oriental
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 29 August 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG DAUIN
ITINATAG BILANG PAROKYA SA PATRONATO NI SAN NICOLAS DE TOLENTINO SA PAMAMAHALA NG MGA PARING SEKULAR, 1820. NALIPAT SA PANGANGASIWA NG MGA AGUSTINONG REKOLETOS, 1857. SINIMULANG ITAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHANG BATO SA PANGUNGUNA NI FRAY MANUEL NAVARRO, 1857–1864, IPINAGPATULOY NI FRAY TOMAS GONZALES, 1864–1874, AT ISINAAYOS NI FRAY MANUEL CABRIADA, 1874–1898. NILISAN NG MGA AGUSTINONG REKOLETOS, 1898. PINAMAHALAAN NG MGA PARING SEKULAR, 1901–1912. MULING PINANGASIWAAN NG MGA AGUSTINONG REKOLETOS. 1912–1969. NASUNOG, 1943, AT ISINAAYOS, 1951. INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA PARING SEKULAR NG DIYOSESIS NG DUMAGUETE, 1969.