Location: Dasmariñas, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG DASMARIÑAS
DATING KAPILYA SA BARYO NG IMUS. ITINATAG ANG PAROKYA NG CAMARIN DE PIEDRA NG MGA PARING REKOLETO NOONG 1867. IPINATAYO ANG SIMBAHANG BATO SA PATRONATO NG LA INMACULADA CONCEPCION AT NAGING UNANG KURA PAROKO SI PADRE VALENTIN DIAZ. NAGSILBING LUKLUKAN NG PAMAHALAANG SIBIL NG MGA KASTILA ANG KUMBENTO: NAGANAP DITO ANG MADUGONG LABANAN NG MAGAPI NG HUKBONG KASTILA ANG MGA REBOLUSYONARYO SA PAMUMUNO NI KAPITAN PLACIDO CAMPOS AT KANYANG KALIHIM FRANCISCO BARZAGA, PEBRERO 25, 1897. IPINIIT RIN DITO NG MGA HAPON ANG MGA MAMAMAYAN NOONG DISYEMBRE 17, 1944 AT 17 SA KANILANG PINATAY ANG NALIBING SA IISANG HUKAY.