Location: Capul, Northern Samar (Region VIII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 5 August 2011
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG CAPUL
ITINATAG NG MGA PARING HESWITA BILANG MISYON, 1596. IPINATAYO YARI SA NIPA AT KAHOY ANG UNANG SIMBAHAN SA PATRONATO NI SAN IGNACIO DE LOYOLA; MULING IPINATAYO KASABAY ANG KUTA NA YARI SA BATO BILANG TANGGULAN LABAN SA MGA MANDIRIGMANG MORO CA. 1600. ISINAILALIM SA PAMAMAHALA NG MGA PARING PRANSISKANO, 1768. IPINAAYOS NI PADRE MARIANO VALERO ANG SIMBAHAN AT IPINATAYO ANG KAMPANARYO, 1781. ITINALAGA NG OBISPO NG CEBU BILANG PAROKYA, 8 NOBYEMBRE 1864. ISINAGAWA ANG LAGUSAN NG KUTA SA KANANG BAHAGI NG SIMBAHAN, 1898. PANGUNAHING HALIMBAWA NG SIMBAHANG TANGGULAN NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL.