Location: Canaman, Camarines Sur
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 9 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG CANAMAN
NAGSIMULA BILANG DOCTRINA NG NUEVA CACERES, NGAYO’Y LUNGSOD NG NAGA, 1583. HUMIWALAY BILANG PAROKYA SA ILALIM NG MGA PATRONG SAN PEDRO AT SAN PABLO, 1599. ITINAYO YARI SA BATO AT IPINAILALIM SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1669. NAGKAROON NG PAGTATALO HINGGIL SA PAMUMUNO NG PAROKYANG ITO SA PAGITAN NG MGA PARING SEKULAR AT PRANSISKANO, IKA-17 HANGGANG IKA-18 DANTAON. LUBHANG NAPINSALA NG LINDOL. 1842. ISINAAYOS, 1845. NASUNOG, 1856. NATAPOS ANG MALAWAKANG PAGSASAAYOS, 1877. SINUNOG NG HUKBONG REPUBLIKANO NG PILIPINAS UPANG DI MAPAKINABANGAN NG MGA AMERIKANONG NANAKOP SA KABIKULAN, 22 PEBRERO 1900. NAGING ARSENAL NG HUKBONG IMPERYAL NG HAPON, 1944. NABAWI NG TANGCONG VACA GUERRILLA, 1945. NAPINSALA NG BAGYONG SENING, LALO NA ANG KUMBENTO, 13 OKTUBRE 1970. NAGKAROON NG MALAKING PAGSASAAYOS ANG HARAPAN AT KUMBENTO NITO SA TULONG AMBAGAN NG MGA MANANAMPALATAYANG KATOLIKO SA CANAMAN, 1978.