Location: Our Lady of Assumption Church, Bulakan, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG BULACAN
ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO BILANG VISITA NG TONDO, 1575. IPINATAYO ANG SIMBAHANG PAROKYAL AT KUMBENTO SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1578. SINAKOP AT SINUNOG NG MGA INGLES, 1762. MULING IPINATAYO, 1812. IPINAGAWA ANG KAMPANARYO, 1877. NASIRA NG LINDOL, 1863, 1869, AT 1880. IPINAAYOS SA DISENYONG NEO-BYZANTINE, 1884–1885. NATAPOS ANG KAMPANARYO, 1889. DITO LIHIM NA IPINAMAHAGI NI GREGORIO H. DEL PILAR ANG MGA POLYETO SA PANULAT NG KANYANG AMAING SI MARCELO H. DEL PILAR NOONG PANAHON NG PROPAGANDA LABAN SA MGA KASTILA. IPINANUMBALIK AT IPINAAYOS ANG SIMBAHAN, 1955–1975.