Location: Bato-Baras Road, Bato, Catanduanes
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 17 May 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BATO
ITINATAG NG MGA PRANSISKANO SA PANGUNGUNA NI OBISPO JUAN ANTONIO DE LILIO, OFM, NG DIYOSESIS NG NUEVA CACERES BILANG PAROKYA SA ILALIM NG PATRONATO NI SAN JUAN BAUTISTA AT PINAGAWA NI PADRE FRANCISCO RAYMUNDO ANG UNANG SIMBAHANG YARI SA KAHOY, 1830. ITINAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHANG HUGIS KRUS NA YARI SA BATO AT KORALES, 22 HULYO 1852. NATAPOS ANG HARAPAN, 1883. NALIPAT SA PAMAMAHALA NG DIYOSESIS NG VIRAC, 1974. ISINAAYOS MATAPOS MAPINSALA NG MGA MALALAKAS NA BAGYONG SENING, 1970; ROSING, 1995; LOLENG, 1998; AT ROLLY, 2020. MULING ISINAAYOS NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2020 AT 2022.