Location: Basco, Batanes (Region II)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 27, 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG BASCO
UNANG ITINAYO NINA P. BALTAZAR CALDERON, O.P. AT P. BARTOLOME ARTIGUEZ, O.P. SA PATRONAHE NI SANTO DOMINGO DE GUZMAN, 1783. GINAWA SA BATO NI P. FRANCISCO DE PAULA ESTEBAN O.P., 1795. PINAIKLI ANG NABE AT ITINAYO ANG FACHADA NI P. NICOLAS CASTAÑO, 1812. NASUNOG, 1860; MULING ITINAYO NI P. ANTONIO VICENTE, O.P., 1863; PINALITAN NG YERONG BUBONG NI P. MARIANO GOMEZ, O.P., 1891; NAILIGTAS NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO, 1899–1901, AT PANGALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941–1945; ISINAAYOS NI OBISPO PEREGRIN DE LA FUENTE, O.P., D.D., NOONG MGA TAONG 1950. NASIRA NG LINDOL ANG KAMPANARYO, 2000. MULING ISINAAYOS NI OBISPO JOSE SALAZAR, O.P., D.D. AT P. HENRY ROMERO, S.O.L.T., 2002. KILALA RIN BILANG KATEDRAL NG INMACULADA CONCEPCION NA PATRONA NG LALAWIGAN NG BATANES.