SIMBAHAN NG BALER
UNANG IPINATAYO SA NIPA AT KAWAYAN NG MGA PARING PRANSISKANO SA TIBAG (NGAYO’Y SABANG) SA PAGTATANGKILIK NI SAN LUIS OBISPO DE TOLOSA, 1611. INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA REKOLETOS, 1658; MULING IBINALIK SA MGA PRANSISKANO, 1703. NAWASAK NG DALUYONG, DISYEMBRE 27, 1735; INILIPAT SA KASALUKUYAG KINATATAYUAN AT ISANG BAGONG SIMBAHANG YARI SA BATO ANG NAITAYO. DITO, SI MANUEL LUIS QUEZON, UNANG PANGULO NG KOMONWELT NG PILIPINAS AY BININYAGAN, 1878. ISANG MAY 54 KATAONG GARISON NG MGA KASTILA ANG KINUBKUB NG MGA PILIPINONG REBOLUSYONARYO, HUNYO 27, 1898 HANGGANG HUNYO 2, 1899. NAPASAILALIM NG PAMAMAHALA NG MGA SEKULAR, 1899; MULING IPINAGAWA NG PANGULO AT GINANG QUEZON, 1939; INILIPAT SA MGA KARMELITAS, 1947 AT MULING IBINALIK SA MGA SEKULAR, 1983.
IPINAHAYAG NA ISANG PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN PEBRERO 29, 2000 SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 375, ENERO 14, 1974 AT BILANG 1505, HUNYO 11, 1978.