Location: St. Michael the Archangel Parish, Bacoor, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2 March 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BACOOR
DATING VISITA NG CAVITE PUERTO SA PANAHON NI OBISPO JUAN ARECHEDERRA; NAGING PAROKYA SA PATRONATO SAN MIGUEL ARKANGHEL SA PAMAMAHALA NI PADRE JOSE XIMENEZ, 18 ENERO 1752. SINIRA NG MGA INGLES NA SUMAKOP SA CAVITE, OKTUBRE 1762. MULING IPINATAYO NA YARI SA BATO AT KAHOY, 1774. IDINAGDAG ANG RETABLO, PATIO, KAMPANARYO AT BAUTISTERIO SA PANAHON NI PADRE DOMINGO SEVILLA PILAPIL, 1788-1820. NAGPATAYO NG BAGONG KUMBENTO SA PANAHON NI PADRE MARIANO GOMES, 1843; PINALAKIHAN NIYA ANG SIMBAHAN SA TULONG NI ARKITEKTO FELIX ROJAS, 1863-1870. NALIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA REKOLETO, 1872. ITINAAS NG MGA REBOLUSYONARYO ANG WATAWAT NG PILIPINAS SA KAMPANARYO, 31 MAYO 1898. NASIRA SA DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO, 13 HUNYO 1899. NALIPAT ANG PAGMIMISA AT MGA BANAL NA GAWAIN SA TAHANAN NI DON JUAN CUENCA NANG INOKUPAHAN NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE ANG SIMBAHAN, 1902. MULING NAIBALIK SA PAMAMAHALA NG SIMBAHANG KATOLIKO ALINSUNOD SA UTOS NG KORTE SUPREMA, 1906. KABILANG SA MGA UNANG SIMBAHAN SA LALAWIGAN NG CAVITE NA PINAMAHALAAN NG MGA PARING SEKULAR MULA NG ITO AY ITINAYO. IPINAHAYAG NA MAHALAGANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS 28, DISYEMBRE 2020.