Location: Bacon, Sorsogon City, Sorsogon
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 20 September 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BACON
NAGSIMULA BILANG VISITA NG CASIGURAN AT NAGING HIWALAY NA PAROKYA SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI PADRE ANTONIO DE SAN FRANCISCO, 1617. ITINAYO ANG UNANG SIMBAHAN YARI SA KAWAYAN SA PIGSABUNAN AT ISINAILALIM SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE ANUNCIACION, 1696. PINAMAHALAAN NG MGA REKOLETO, 1760. IBINALIK SA PAMAMAHALA NG MGA PRANSISKANO, 1768. LUMAON AY PINAMAHALAAN NG MGA SEKULAR AT SI PADRE PEDRO LICUP UNANG PILIPINONG KURA PAROKO, 1794. NAPINSALA NG BAGYO AT NAGPATAYO NG PANSAMANMTALANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, 1811. ISINAILALIM SA PATRONATO NI STA. RITA DE CASIA, 1835. INILIPAT ANG SIMBAHAN SA KASALUKUYAN NITONG KINATATAYUAN, 1852. MULING IBINALIK SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE ANUNCIACION, 1853; AT SINIMULANG ITAYO ANG BAGONG SIMBAHAN, 1854 AT ANG KAMPANARYO, 1885. NAPINSALA NG BAGYO, 194; LINDOL, 1954. ISINAAYOS, 1963-1979. MULING ISINAAYOS NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2021.