Location: Baclayon, Bohol (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I – National Historical Landmark
LLegal basis: Resolution No. 3, s. 1994
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG BACLAYON
SA POOK NA ITO PORMAL NA ITINAYO NINA PADRE JUAN DE TORRES AT PADRE GABRIEL SANCHEZ, MGA PARING HESWITA, ANG UNANG MISYON NG KRISTIYANISMO SA BOHOL, NOBYEMBRE 17, 1596. ANG UNANG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY AY PARANGAL SA BIRHENG IMMACULADA CONCEPCION. NAGING GANAP NA PAROKYA, 1717. IPINATAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA KORALES, 1727. PINAMAHALAAN NG MGA AGUSTINONG RECOLECTOS, 1768. IDINAGDAG ANG PILAK NA TABERNAKULO SA PANGUNAHING DAMBANA, 1810; GINAWA ANG BINYAGAN AT SAKRISTIYA, 1852. NAGSAGAWA NG MGA ILANG PAGBABAGO AT PAGSASAAYOS NGUNIT ANG ORIHINAL NA ARKITEKTURANG NEO-KLASIKO SA PAGGAMIT NG ARKONG ROMANO AT TEMPLO AY NAPANATILI HANGGANG SA KASALUKUYAN.
SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973 NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, ENERO 14, 1974 AT BILANG 1505, HUNYO 11, 1978, ANG SIMBAHANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN NOONG HULYO 27, 1994.