Location: Alburquerque, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG ALBURQUERQUE
NAGSIMULA BILANG BISITA NG BACLAYON SA ILALIM NG PATRONATO NI SANTA MONICA. UNANG IPINATAYO YARI SA KAHOY AT KAWAYAN SA KANLURANG BAHAGI NG LIWASAN, 1842. ISANG MATIBAY AT MALAWAK NA SIMBAHAN ANG IPINATAYO SA SILANGANG BAHAGI, 1856. HUMIWALAY ANG KINATATAYUAN SA BAYAN NG BACLAYON AT TINAWAG NA ALBURQUERQUE, 1861. PORMAL NA PINASINAYAAN BILANG PAROKYA, 1869. AT SUMAILALIM SA PAMAMAHALA NG MGA REKOLETO HANGGANG 1898. SINIMULAN NI PADRE MANUEL MURO ANG PAGPAPATAYO NG SIMBAHANG BATO, 1885. IPINAGAWA ANG ITAAS NA BAHAGI NG PADER AT TORE, DEKADA, 1920. IPININTA NI RAY FRANCIA ANG MGA LARAWAN SA KISAME NG SIMBAHAN, 1932. ANG LAGUSANG MAY NAKAHANAY NA MGA ARKO ANG NAGDURUGTONG SA SIMBAHAN AT KUMBENTO NA BUKOD-TANGI SA BOHOL.