Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN AT KUMBENTO NG RECOLETOS
SA POOK NA ITO IPINATAYO ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NG SAN NICOLAS DE TOLENTINO NG ORDER OF AGUSTINIAN RECOLLECTS (OAR) SA KAGANDAHANG-LOOB NI BERNARDINO DEL CASTILLO MALDONADO, 1608. NAGSILBING PANGUNAHING KUMBENTO NG MGA RECOLETOS SA PILIPINAS, TSINA, HAPON AT MARIANAS ISLANDS. KILALA SA PAGIGING MAADORNO AT SA MALAKING KAMPANARYO. ANG SIMBAHAN AY NAPINSALA NG LINDOL, 30 NOBYEMBRE 1645, TULUYANG NAWASAK, 20 AGOSTO 1658. MULING IPINATAYO SUBALIT GUMUHO DAHIL SA LINDOL, 1722; AT IPINATAYONG MULI, 1780. NAGTAMO NG MALUBHANG PINSALA NOONG LABANAN SA MAYNILA, 1945; TULUYANG NAGIBA, 1959. IDINAMBANA SA SIMBAHAAN ANG MGA IMAHEN NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO, VIRGEN DE LA SALUD, SAN JOSE AT SANTA LUCIA. NANIRAHAN SA KUMBENTO ANG NAGING SANTO NA SI EZEKIEL MORENO, ANG APAT NA BANAL NA MARTIR NG HAPON, ANG BANAL NA SI VICENTE SOLER AT ANG APAT PANG MARTIR NG MORTIL SA ESPANYA.