Location: Laoag City, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: May 21, 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SANTIAGO A. FONACIER Y SUGUITAN
MANUNULAT, MAMAMAHAYAG, MAMBABATAS, MAKABAYAN AT ISA SA HALIGI NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE, IPINANGANAK SA LAOAG, ILOCOS NORTE, MAYO 21, 1885. KINATAWAN, UNANG DISTRITO NG ILOCOS NORTE, 1912-1916 AT SENADOR, 1919-1925; KAGAWAD, LUPON NG MGA REHENTE, PAMANTASAN NG PILIPINAS AT TAGAPANGULO, LUPON NG AKLAT PAMPAMAHALAAN, 1923-1925; KAGAWAD, IKALAWANG MISYON PARA SA KALAYAAN NG PILIPINAS SA ESTADOS UNIDOS, 1922; KAPILYAN, HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS SA ESTADOS, 1937-1942; KAGAWAD SURIAN NG WIKANG PAMBANSA, 1938-1942; PANGALAWANG OBISPO MAXIMO, I.F.I., 1940-1946; AT KAGAWAD, LUPON NG PATAWAD AT PAROL, 1960-1961. GINAWARAN NG DOCTOR OF DIVINITY, HONORIS CAUSA, UNIVERSITY OF CHICAGO, 1940. TAGAPAGLATHALA AT PATNUGOT NG DANGADANG (LA LUCHA). TAGAPAG-ULAT, LA ASAMBLEA FILIPINA, LA DEMOCRACIA AT EL GRITO DEL PUEBLO. NAGSALIN SA WIKANG ILOKO NG NOLI AT FILI NI RIZAL AT IBA’T IBANG LATHALAING BUKOD SA KANYANG MGA SARILING KINATHA. NAMATAY, DISYEMBRE 8, 1977.