Location: San Isidro, Nueva Ecija
Category: Site
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1970
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
SAN ISIDRO
ANG BAYANG ITO NA MAY 7,805 NA MAMAMAYAN AT 1,500 BAHAY AY TINAWAG NA SAN ISIDRO NG MGA KASTILA NOONG 1845. ANG MGA TANIM AY TABAKO, MAIS AT PALAY. NAGING KAPITAL NG NUEVA ECIJA NOONG 1852–1912. NAGANAP DITO ANG UNANG SIGAW NG HIMAGSIKAN NANG MAGPAPUTOK SI MANOLO VENTUS, ISANG KATIPUNERO, BILANG HUDYAT KAY HENERAL LLANERA NA LUSUBIN ANG MGA KASTILA NOONG SETYEMBRE 2, 1896. NAGKAROON NG ILANG LABANAN AT ISA DITO AY PINAMUMUNUAN NI HENERAL GREGORIO DEL PILAR. NOONG MARSO 29, 1899, ITO’Y GINAWANG KAPITAL NG REPUBLIKA NG PILIPINAS NG PANGULONG EMILIO AGUINALDO.
ITINATAG ANG PAARALANG WRIGHT INSTITUTE DITO NOONG 1903–1905 SA LUPANG ALAY NINA CRISPULO SIDECO AT EUFEMIO POLICARPIO. ANG GINUGOL SA PAGTATAYO NITO AY MGA ABULOY NA NAILAK NINA EPIFANIO DE LOS SANTOS AT FLORENCIO MIRANDA.