Location: Las Piñas City and Bacoor, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1 December 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN EZEKIEL MORENO
1848–1906
PARING AGUSTINO REKOLETO AT SANTO. ISINILANG SA LA RIOJA, ESPANYA, 9 ABRIL 1848. DUMATING SA MAYNILA, 10 PEBRERO 1870. NAORDENAHANG PARI SA KATEDRAL NG MAYNILA, 2 HUNYO 1871. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG BAYAN NG PUERTO PRINCESA BILANG UNANG MISYONERO, KAPELYAN NG MGA MILITAR AT NG COLONYA PENAL, 4 MARSO 1872. MULA 1873 HANGGANG 1885, NAGING KURA PAROKO NG CALAPAN (MINDORO), LAS PIÑAS, SANTO TOMAS (BATANGAS), STA. CRUZ (MAYNILA) AT TAGAPAMAHALA NG HACIENDA NG IMUS. YUMAO SA ESPANYA SA SAKIT NA KANSER, 19 AGOSTO 1906. IDINEKLARANG SANTO NI PAPA JUAN PABLO II DAHIL SA IPINAKITANG KABANALAN, KAPURI-PURING HALIMBAWA, AT TAOSPUSONG PAGSILBI SA MGA KAPUSPALAD AT MGA MAYSAKIT SA PILIPINAS, ESPANYA AT COLOMBIA, 11 OKTUBRE 1992. ITINUTURING NA SANTO AT PATRON NG MGA MAY KANSER.