Location: Manila Hotel, 1 Rizal Park, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: January 28, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ROTARY CLUB OF MANILA
ANG UNANG CLUB SA PILIPINAS AT SA ASYA. ITINATAG NI LEON LAMBERT AT NG APAT NA IBA PANG AMERIKANO, 1919. MULA SA 38 ORIHINAL NG MGA KASAPI. GINANAP ANG UNANG PAGPUPULONG SA FIESTA PAVILION NG MANILA HOTEL, ENERO 29, 1919. ITINATAG ANG UNANG DAUGHTER-CLUB SA CEBU, 1932; ANG UNANG DAUGHTER-CLUB SA IBAYONG DAGAT, SA GUAM, 1939. NAGING UNANG PILIPINONG PANGULO SI ARSENIO LUZ, 1933. ITINALAGA BILANG KASAPING PANDANGAL SI HENERAL DOUGLAS MACARTHUR SA CORREGIDOR, PEBRERO 2, 1942. PANSAMANTALANG ITINIGIL ANG OPERASYON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. MULING BINUHAY, SETYEMBRE 13, 1945. NAPANATILI ANG KATANGI-TANGING REKORD NG PANGUNGUNA SA PAGLILINGKOD SA KAPWA AT SA PAMAYANAN AYON SA KANILANG MGA SINUMPAANG TUNGKULIN SIMULA PA NANG ITO AY ITATAG.