Location: Ermita, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 24 October 1974
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
RAFAEL PALMA
(1874–1939)
ISINILANG SA TUNDO, MAYNILA NOONG OKTUBRE 24, 1874.
MANUNULAT, MANANALAYSAY, EDUKADOR, ISKOLAR, ESTADISTA, SENADOR AT MAKABAYAN. ISA SA MGA NAGTATAG NG MGA PAHAYAGANG LA INDEPENDENCIA AT EL NUEVO DIA; NAGING EDITOR NG EL RENACIMIENTO. DELEGADO NG KABITE SA UNANG ASAMBLEA NG PILIPINAS NOONG 1907; KALIHIM-PANLOOB NOONG PANAHON NG GOBERNADOR-GENERAL FRANCIS BURTON HARRISON; KAGAWAD NOONG 1919 SA UNANG MISYONG PANGKALAYAAN SA ESTADOS UNIDOS; PANGULO NG PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1923–1933; AT DELEGADO SA 1934 KUMBENSIYONG KONSTITUSYUNAL
NAMATAY NOONG MAYO 24. 1939.