Location: United Nations Avenue cor. San Marcelino Street, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II – Historical marker
Marker date: August 7, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PUNONG HIMPILAN NG HUKBONG PAMPULISYA NG MAYNILA
ITINATAG BILANG UNANG PULISYANG SIBIL NG MAYNILA SA BISA NG PROKLAMASYON NI GOBERNADOR WILLIAM H. TAFT, 5 AGOSTO 1901. NAGSILBING MGA PUNONG HIMPILAN ANG ESCUELA MUNICIPAL, INTRAMUROS, 1901–1904; BULWAGANG LUNGSOD NG MAYNILA, 1904–1946; LUMANG KULUNGAN NG BILIBID, 1946–1949; AT ANG KASALUKUYANG HIMPILAN MULA 1949. ITINAYO ANG GUSALING ITO BILANG SOUTH POLICE STATION BAGO ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; PINAGKUBLIAN NG HUKBONG HAPONES AT NAGING LUGAR NG MATINDING LABANAN, 14–20 PEBRERO 1945; AT ISINAAYOS SA PAMAMAGITAN NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT AT ITINALAGANG PUNONG HIMPILAN NG HUKBONG PAMPULISYA NG MAYNILA, 1949.