Location: San Isidro Road, Sto. Domingo, Albay
Category: Personages
Type: Biographical Marker
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 19 May 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POTENCIANO V. GREGORIO SR.
KILALANG MUSIKO AT KOMPOSITOR. ISINILANG SA LIBOG (SANTO DOMINGO)[,] ALBAY, 19 MAYO 1880. NAG-ARAL NG MUSIKA SA PAMAMATNUBAY NI MONS. JORGE I. BARLIN, 1883–1885. KATULONG ANG KAPATID NA SI BERNARDO, KUMATHA NG HUMIGIT-KUMULANG SA 12 DAKILANG KOMPOSISYON. NILIKHA ANG “SARUNG BANGGI,” NAGING KLASIKONG AWITIN SA KABIKULAN, 10 MAYO 1910. PINANGUNAHAN ANG BANDA DE LIBOG HANGGANG 1918. SUMAPI SA PHILIPPINE CONSTABULARY BAND NA PINAMUNUAN NI KOR. WALTER H. LOVING, 1918. ISINAAYOS ANG “SARUNG BANGGI” PARA SA BANDA, 1918–1919, AT PARA SA ORKESTRA, 1930. HINIRANG NA KINATAWAN NG BANDA NG PHILIPPINE CONSTABULARY SA EKSPOSISYON SA SAN FRANCISCO, ESTADOS UNIDOS, 1939. PUMANAW SA SAKIT NA PULMONYA SAMANTALANG PATUNGO SA EKSPOSISYON, 12, PEBRERO 1939.