Location: Baker Memorial Hall, Mariano M. Mondoñedo Avenue, Los Baños, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK NG BILANGGUANG KAMPO SA LOS BAÑOS
GINAMIT NG MGA HAPONES BILANG BILANGGUANG KAMPO PARA SA MGA BIHAG NA AMERIKANO AT IBANG BANYAGA NOONG 1943. NILUSOB NG PINAGSANIB NA PANGKAT NG MGA GERILYANG FILIPINO MULA SA MGA KASAPI NG ROTC HUNTERS, HUKBALAHAP IKA-48 ISKWADRONG TSINO, SARILING PANGKAT NI PANGULONG QUEZON, PANGKAT MARKING, AT IBA PANG DI-REGULAR NA TROPA NOONG 23 PEBRERO 1945. ANG PINAGSANIB NA PUWERSA AY INORGANISA NI TINYENTE KORONEL GUSTAVO INGLES NA KASAPI NG HUNTERS AT KINATAWAN NG PUWERSANG AMERIKANONG NANGANGASIWA SA MGA GERILYA NG KATIMUGANG LUZON. PINAMUNUAN NI TINYENTE KORONEL HONORIO GUERRERO AT NG ROTC HUNTERS ANG UNANG SALAKAY. MATAGUMPAY NILANG NAKONTROL ANG PALIGI NG KAMPO AT SA TULONG NG MGA AMERIKANONG MIYEMBRO NG COMPANY B 511TH PARATROOP INFANTRY AY NAPALAYA ANG 2,147 BILANGGO.