Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
SA POOK NA ITO ITINAYO ANG KOLEHIYO NG MAYNILA NG MGA HESWITA NOONG 1595, NA NAGKAROON NG KARAPATANG MAGKALOOB NG MGA TITULONG PAMPAMANTASAN NOONG 1621, AT SA GANITO’Y NAGING PAMANTASAN NG SAN IGNACIO NOONG 1596. ANG SIMBAHAN NG KOLEHIYO AY NATAPOS NOONG 1596, SINIRA NG LINDOL NOONG 1599, AT PINALITAN NG LALONG MALAKING GUSALING YARI SA ADOBENG ANTIPOLO NOONG 1626. SA POOK DING ITO ITINAYO ANG KOLEHIYO NG SAN JOSE, NA ITINATAG NOONG 1601 AT NAKAUGNAY SA PAMANTASAN. MATAPOS PAALISIN ANG MGA HESWITA NOONG 1768 ANG MGA GUSALI NG PAMANTASAN AY GINAMIT NA SEMINARYO DIYOSESANO, AT PAGKATAPOS AY HIMPILANG MILITAR, NA TINAWAG NA CUARTEL DE ESPAÑA, AT SA BULWAGAN NITO NILITIS SI JOSE RIZAL NOONG IKA-26 NG DISYEMBRE, 1896. SA PANAHON NG MGA AMERIKANO, ANG CUARTEL AY GINAWANG HIMPILANG MILITAR NG IKA-31 DIBISYONG IMPANTERYA NG ESTADOS UNIDOS HANGGANG SA SUMIKLAB ANG DIGMAAN NOONG 1941.