Location: Dr. Pio Valenzuela Street corner Kabesang Pino Street, Valenzuela City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 14 February 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PIO VALENZUELA
1869-1956
ISINILANG SA TAGALAG, POLO, BULACAN, 11 HULYO 1869. SUMAPI SA KATIPUNAN, 1892, HABANG NAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS. KASAPI SA KATAASTAASANG SANGGUNIAN NG KATIPUNAN BILANG DOKTOR, ENERO 1895, AT TAGAUSIG, 1 ENERO 1896. TAGAPANGASIWA NG LIMBAGAN NG KATIPUNAN, 1896. TUMUNGO SA DAPITAN UPANG KAUSAPIN SI JOSE RIZAL HINGGIL SA REBOLUSYON, 15 HUNYO 1896. KASAMA SA PULONG NA NAGPAHAYAG NG PAGHIHIMAGSIK SA ESPANYA, 23 AGOSTO 1896. NADAKIP NG MGA KASTILA AT IPINIIT SA BILANGGUAN NG BILIBID, 1 SETYEMBRE 1896. IPINATAPON SA MELILLA, HILAGANG APRIKA, PEBRERO 1897-ABRIL 1899. IBINALIK NG PAMAHALAANG ESPANYOL SA MAYNILA AT IPINIIT NG MGA AMERIKANO SA INTRAMUROS, 1899. PINALAYA NANG MAGWAGI BILANG PUNONG BAYAN NG POLO, BULACAN, NGAYO’Y LUNGSOD NG VALENZUELA, 1899-1901. NAGLINGKOD NOONG PANDEMYA NG KOLERA SA PILIPINAS, 1902. NAGING GOBERNADOR NG BULACAN, 1921-1925. YUMAO, 6 ABRIL 1956.