Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Gateway
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 8 December 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
PINTONG REAL
ITO ANG IKALAWANG PINTONG REAL (PUERTO REAL) NA NAKAHARAP SA TIMOG AT SA REBELLIN NG BAGUMBAYAN AT TUMUTULOY SA CALLE DE FUNDICION (NGAYO’Y DAANG MURALLA, KAHARAP NG UNANG KOLEHIYO NG SAN JOSE AT NG UNIBERSIDAD NG SAN IGNACIO (NGAYO’Y PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA) NG MGA HESWITA. ANG PLANO AT ANG PAGPAPAGAWA AY SINIMULAN NI JOSE BELESTA, KA’TULONG NA INHINYERO NG HUKBO, AT TINAPOS NI THOMAS SANZ NOONG 1780 SA KAPANAHUNAN NI GOB. HEN. JOSE BASCO AT VARGAS. NASIRA ANG BAHAGI NOONG 1945 DAHIL SA DIGMAAN. MULING IPINAGAWA NG INTRAMUROS RESTORATION COMMITTEE NOONG 1968 SA TULONG NA ABULOY NI HANZ KASTEN AT IBA PA, NG PAMBANSANG PAMAHALAAN, AT NG LUNGSOD NG MAYNILA.