Location: Magallanes Drive, Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Gateway
Status: Level II – Hisotrical marker
Marker date: December 8, 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
PINTONG ISABELA II
IPINANGALAN SA REYNA ISABELA II, ANG PINTONG ITO AY NAKAHARAP SA ILOG PASIG AT NASA PAGITAN NG KUTA NG SAN GABRIEL SA SILANGAN AT NG DATING KUTA NG STO. DOMINGO SA KANLURAN, ITONG HULI ANG DATI’Y NAKAPALIGID SA NOO’Y GLISALI NG ADWANA (NGAYO’Y BANGKO SENTRAL). ANG MAKITID NA BAHAGI NG LUPA SA PAGITAN NG ILOG AT NG MGA PADER AY SIYANG DATING POOK NG IKALA-WANG PARIAN, NA NAGING PASEO DE MAGALLANES AT MUELLE. SA PAGITAN NG MGA KUTANG NABANGGIT AT MAY 20 MALALAKING SILID NA GINAGAMITNA PINTUAN AT ANG DAKONG ITAAS AY BALWARTENG NAKAHARAP SA ILOG. ANGPINTONG GINAWA AT BINUKSAN NOONG 1861 AY LUMAGOS SA DAANG SAN JUAN DE LETRAN AT NG DATING BEATERYO NG STA. CATALINA NOONG KAPANAHUNAN NI GOBERNADOR JOSE LEMERY. NASIRA NOONG 1945 DAHIL SA DIGMAAN; MULING GINAWA NG INTRAMUROS RESTORATION COMMITTEE NOONG 1968 SA TULONG NG ABULOY NG RESEARCH FOUNDATION IN PHILIPPINE ANTHRO-POLOGY AND ARCHAEOLOGY, INC., AT IBA PA, NG PAMBANSANG PAMAHALAAN, AT NG LUNGSOD NG MAYNILA.